𝐑𝐞𝐬𝐢𝐛𝐨𝐧𝐚𝐧𝐳𝐚 𝐏𝐚𝐩𝐫𝐞𝐦𝐲𝐨 𝐬𝐚 𝐑𝐞𝐬𝐢𝐛𝐨 | 𝐏𝐚𝐚𝐧𝐨𝐧𝐠 𝐒𝐮𝐦𝐚𝐥𝐢?
Thursday February 27, 2025
1. Automatic kang makakasali kapag binayaran mo ang iyong monthly electric bill bago ang duedate. 2. Lahat ng nagbabayad sa GCASH o iba pang ecpay/truemoney accredited outlets ay kasali, maging ang mga nagbabayad sa NEECO I District Offices. 𝐓𝐮𝐰𝐢𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐢𝐥𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐠𝐩𝐢𝐥𝐢 𝐬𝐚 𝐦𝐠𝐚 𝐧𝐚𝐧𝐚𝐧𝐚𝐥𝐨? - Buwan-buwan ay may mga winners tayo ng Resibonanza. - Ipopost sa official FB page ng NEECO I ang mga mananalo kaya i-like at share ang ating Page para manatiling updated. 𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐬𝐚𝐲𝐨 𝐧𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧𝐠𝐚𝐥𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐢𝐥𝐥? - Kung ikaw ay isa sa mga winners at hindi sa’yo nakapangalan ang electric bill, magdala lang ng barangay certificate na nagsasabing ikaw na ang kasalukuyang gumagamit ng metro. ✔️𝐵𝐴𝑌𝐴𝑅𝐴𝑁 𝐿𝐴𝑀𝐴𝑁𝐺 𝐴𝑁𝐺 𝐼𝑌𝑂𝑁𝐺 𝐵𝐼𝐿𝐿 𝐵𝐴𝐺𝑂 𝑀𝐴𝐺𝐷𝑈𝐸𝐷𝐴𝑇𝐸 𝐴𝑇 𝑀𝐴𝐺𝐾𝐴𝑅𝑂𝑂𝑁 𝑁𝐺 𝑃𝐴𝐺𝐾𝐴𝐾𝐴𝑇𝐴𝑂𝑁𝐺 𝑀𝐴𝑁𝐴𝐿𝑂 𝑁𝐺 𝑆𝑂𝑅𝑃𝑅𝐸𝑆𝐴𝑁𝐺 𝑃𝐴𝑃𝑅𝐸𝑀𝑌𝑂 𝑆𝐴 𝑁𝐸𝐸𝐶𝑂 𝐼
Read More ...
𝐌𝐀𝐇𝐀𝐁𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐋𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐀𝐘𝐀𝐑𝐀𝐍?
Tuesday February 25, 2025
Magbayad ng electric bill sa mga accredited ECPAY partners at TRUEMONEY outlets tulad ng mga online app na GCash, Paymaya, Shopee, Starpay, at Dragonpay. Pwede rin naman magbayad "over-the-counter" sa Seven Eleven, Cebuana Lhuillier, 7MM Pawnshop, at iba pang Truemoney outlets. Tatanggapin lamang ang bayad sa mga accredited ECPAY Partners at Truemoney outlets kung isang buwang konsumo lang ang bayarin, at kung babayaran ang electric bill bago o sa mismong araw ng due date. Maaari rin magbayad dito sa araw ng mga Sabado, Linggo, o holidays.
Read More ...
𝐏𝐫𝐨𝐬𝐞𝐬𝐨 𝐧𝐠 𝐃𝐢𝐬𝐭𝐫𝐢𝐛𝐮𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐮𝐫𝐲𝐞𝐧𝐭𝐞
Wednesday February 05, 2025
1. Generation - sa prosesong ito nililikha ang kuryente at dito rin bumibili ng power supply ang mga kooperatiba o distribution utilities. Maaaring nagmumula sa renewable energy or non-renewable energy resources ang gamit sa paglikha ng kuryente. 2. Transmission - sa pamamagitan ng mga transmission lines na pinamamahalaan ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, ay nakakarating o nakakatawid ang mga binibiling kuryente sa power suppliers papunta sa electric cooperatives o private distribution utilities. 3. Distribution - sa prosesong ito ibinabahagi ng electric cooperatives o private distribution utilities ang supply ng kuryente para mapag-ilaw ang mga bayang nasasakupan ng serbisyo nito.
Read More ...
Receive your Electric Bill through SMS
Wednesday February 05, 2025
𝐑𝐞𝐜𝐞𝐢𝐯𝐞 𝐁𝐢𝐥𝐥 𝐭𝐡𝐫𝐮 𝐒𝐌𝐒 | forms.gle/L39nUUhZ8yB8Ku6z5 <--- Magregister sa GOOGLE LINK na ito para matanggap ang halaga ng iyong monthly electric bill sa pamamagitan ng text message. Ihanda ang mga sumusunod na impormasyon: - Contact Number - NEECO I Account Name (makikita sa SOA) - 10-digit Account Number (makikita sa SOA) - Email Address 𝑀𝑎𝑎𝑎𝑟𝑖 𝑑𝑖𝑛 𝑝𝑜 𝑡𝑎𝑦𝑜𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑔𝑝𝑎𝑟𝑒𝑔𝑖𝑠𝑡𝑒𝑟 𝑎𝑡 𝑖𝑝𝑎-𝑢𝑝𝑑𝑎𝑡𝑒 𝑎𝑛𝑔 𝑝𝑒𝑟𝑠𝑜𝑛𝑎𝑙 𝑖𝑛𝑓𝑜𝑟𝑚𝑎𝑡𝑖𝑜𝑛 𝑠𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑁𝐸𝐸𝐶𝑂 𝐼 𝐷𝑖𝑠𝑡𝑟𝑖𝑐𝑡 𝑂𝑓𝑓𝑖𝑐𝑒𝑠.
Read More ...
𝐌𝐠𝐚 𝐔𝐫𝐢 𝐧𝐠 𝐏𝐨𝐰𝐞𝐫 𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐫𝐮𝐩𝐭𝐢𝐨𝐧
Wednesday February 05, 2025
1. Scheduled Power Interruption - mga pagawain sa linya/poste ng kuryente na maaaring plinano ng NEECO I, NGCP, o ginawan ng request ng mga member-consumers. 2. Emergency Power Interruption - mga pagawain sa linya/poste ng kuryente dahil sa hindi inaasahang pagkasira ng mga kagamitan na maaaring dulot ng aksidente, kalikasan, at kalamidad. - ito ay maaaring mula sa distribution utility (NEECO I) o transmission side (NGCP) ang pinanggagalingan ng aberya.
Read More ...
𝐒𝐚𝐥𝐢𝐧-𝐃𝐮𝐠𝐨 𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐋𝐞𝐭𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐀𝐜𝐭𝐢𝐯𝐢𝐭𝐲 - 𝐅𝐞𝐛𝐫𝐮𝐚𝐫𝐲 𝟕, 𝟐𝟎𝟐𝟓 | Karagdagang Benepisyo ng Blood Donation
Monday February 03, 2025
🔴 𝐍𝐚𝐠𝐩𝐚𝐩𝐚𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐈𝐦𝐦𝐮𝐧𝐞 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦 - Ang regular na pagsasalin ng dugo ay nakakatulong para mapalitan ang mga lumang blood cells, na tumutulong sa mas maayos na sirkulasyon nito at nagpapalakas ng immune system. 🔴 𝐌𝐚𝐬 𝐌𝐚𝐭𝐚𝐚𝐬 𝐧𝐚 𝐏𝐫𝐨𝐝𝐮𝐤𝐬𝐲𝐨𝐧 𝐧𝐠 𝐑𝐞𝐝 𝐁𝐥𝐨𝐨𝐝 𝐂𝐞𝐥𝐥𝐬 - Sa tuwing nagdodonate ng dugo, ang katawan ay agad na nagpoproduce ng bagong red blood cells na mabuti para sa oxygen circulation, at mahalaga sa kalusugan ng puso, utak at iba pang organs. 🔴 𝐏𝐚𝐠𝐛𝐮𝐭𝐢 𝐧𝐠 𝐌𝐞𝐧𝐭𝐚𝐥 𝐖𝐞𝐥𝐥-𝐁𝐞𝐢𝐧𝐠 - Dahil sa pagsasalin ng dugo, nagkakaroon ka ng “SENSE OF PURPOSE” dahil alam mong makakatulong ka sa iyong kapwa. 🔴 𝐌𝐚𝐤𝐚𝐤𝐚𝐩𝐚𝐠𝐥𝐢𝐭𝐠𝐭𝐚𝐬 𝐧𝐠 𝐁𝐮𝐡𝐚𝐲 - Sa isang bag ng dugo, maaaring makatulong sa mga pasyenteng nangangailangan ng dugo tuwing may operasyon, panganganak, o emergency cases. Makilahok sa darating na Salin-dugo Bloodletting Activity ng NEECO I sa February 7, 2025, 7:00am - 4:00pm sa NEECO I Main Office. 𝘋𝘰𝘯𝘢𝘵𝘦 𝘉𝘭𝘰𝘰𝘥, 𝘚𝘢𝘷𝘦 𝘓𝘪𝘷𝘦𝘴!
Read More ...Showing 25 to 30 of 40 results